Omicron: Curfew in Delhi as India Covid cases surge

Naghahanda na ang India para sa pangatlong wave ng coronavirus sa kanilang pinakamalalaking lungsod tulad ng capital na Delhi pati ang financial hub na Mumbai.

Sa ngayon, nagtala ng six-fold increase ang bansa na sinasabing dulot ng Omicron. Karamihan sa natalang kaso ay galing din sa dalawang lungsod.

Dahil dito, nagbalik ng curfew at mas maraming restrictions ang bansa para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Nagsalita rin ang health minister ng Delhi na si Satyendar Jain kung saan sinabi niya 81% ng mga COVID samples ay lumabas na positibo para sa mas nakakahawang variant.

Sa ngayon, nagtatala rin ang bansa ng mas mababang mga hospitalization kung ikukumpara ito sa mga nakaraang wave pero nagsasabi pa rin ang mga health worker na mag-ingat para maiwasan ang pagdami ng kaso sa mga ospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.