Makati LGU nagpasaklolo na sa national government

Nagpasaklolo na ang Makati City local government unit sa national government matapos hindi na makayanan ang dagsa ng mga COVID-19 patients sa mga ospital ng lungsod.

Ani Makati City Mayor Abby Binay, “The local initiatives are not sufficient that’s why we are hoping that the national government will help us with the isolation facilities, which was the arrangement last year.”

Aniya, alam niya na kahit ang national isolation at quarantine facilities ay punuan na rin.

May ilang linggo na aniyang nasa full capacity para sa COVID cases ang Ospital ng Makati at ang Makati Medical Center.

Marami aniya ang nasa wait list na nasa emergency room lamang na walang mahigaang kama.

Bukod sa kakulangan na rin ng medical staff na ang iba ay tinamaan pa ng virus, marami rin ang mga nurse na umatras sa pag-aaplay dahil sa takot na mahawaan. Marami naman aniya silang ginagawa para labanan ang pandemya tulad ng vaccination program.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/04/01/2088461/makati-lgu-nagpasaklolo-na-sa-national-government

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.