‘Pinas gaano kakupad sa COVID-19 vaccines? Doses wala pang 1% ng target

Kakarampot pa lang ang dumarating na bakuna laban sa COVID-19 sa Pilipinas kumpara sa mga kinokontratang gamot, pag-amin ng Department of Health sa televised briefing ni Pangulong Rodrigo Duterte, Lunes ng gabi.

Paglalahad ni Health Secretary Francisco Duque, “[S]umunod po tayo [sa health protocols]. Dahil, unang-una, hindi sapat ang bakuna. Kulang pa ho tayo.”

Malayo pa ang bilang ng mga 1.1 milyong vaccine na dumating na sa bansa kumpara sa 143 milyong nakatakdang dumating sa Pilipinas ngayong 2021.

Malayong-malayo pa ang bilang na 400,000 ng mga nabakunahan na sa halos 110 milyong populasyon ng Pilipinas.

Matatandaang Pilipinas ang huling bansa sa buong ASEAN Region na nakakuha ng COVID-19 vaccines.

Sa darating na Abril hanggang Mayo, tinatarget ng Pilipinas na makapagbakuna ng 500,000 hanggang 1 milyong katao araw-araw. Nais ‘yang itaas sa hanggang 2 milyon kada linggo.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/03/23/2086406/pinas-gaano-kakupad-sa-covid-19-vaccines-doses-wala-pang-1-ng-target

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.