Paglaban sa pandemiya, konsultasyon ng COC, pinag-usapan ng FM ng Tsina at Pilipinas

Nag-usap noong ika-2 ng Abril sa lunsod ng Nanping, lalawigang Fujian, sa timog silangang Tsina, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Teodoro Locsin, Kalihim sa Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.

Ani Wang ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Pilipinas, na patuloy na isagawa ang kooperasyon sa paglaban sa pandemiya ng COVID-19, lalung-lalo na sa aspekto ng bakuna at pagtanggap sa health code ng isa’t isa.

Dagdag niya, dapat pasulungin ng dalawang bansa ang pagtapos alinsunod sa iskedyul ng mga malaking proyekto sa ilalim ng kooperasyon ng Belt and Road at Build, Build, Build, para patingkarin sa lalong madaling panahon ang mga benepisyong pangkabuhayan at panlipunan ng mga proyektong ito.

Binigyang-diin din ni Wang, na komprehensibong ipapatupad ng Tsina, kasama ng Pilipinas at ibang bansa ng ASEAN ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.

Source: http://filipino.cri.cn/20210403/610e4965-cadc-b3ab-6906-361f87ac2eae.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.