Pagbabalik sa online learning ng mga driving school, giit sa LTO

Iginiit ng mga driving school sa Land Transportation Office na ibalik ang online learning sa pagmamaneho upang kahit paano ay mabuhay ang kanilang negosyo.

Ang panawagan ay ginawa nang magpasya ang Department of Trade and Industry na muling ipasara ang mga driving school dahil sa pagsirit ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Richard Lugtu, may-ari ng Majesty driving school sa Quezon City, susunod sila sa direktiba ng DTI. Gayunman, inihihirit nila na magtuluy-tuloy ang kanilang negosyo sa pamamagitan ng online learning.

Anya, malaki ang epekto ng dalawang linggong pagsasara ng negosyo dahil nagbabayad sila ng monthly rentals kasama na ang amortization ng kotseng hinuhulugan na gamit sa pagtuturo sa pagmamaneho at pagkukunan ng pang-suweldo sa mga tauhan.

Niliwanag ni Lugto na kahit noong kasagsagan ng pandemya ay mahigpit silang sumusunod sa health protocols at mimonitor ng LTO NCR ang kanilang operasyon.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/03/23/2086328/pagbabalik-sa-online-learning-ng-mga-driving-school-giit-sa-lto

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.