Stay at home muna, ayon sa grupong turismo

Pinaalalahanan ng grupong Turismo, Isulong Mo ang mga manggagawa sa tourism industry na kung maaari ay manatili na lamang sa mga bahay para hindi mahawaan ng COVID-19 na lumalala sa mga araw na ito.

Ayon sa presidente ng grupo na si Raissa Wynns Melivo, “Doon po sa mga kasama natin na matumal ang trabaho dahil wala o konti ang mga dumarating na turista, baka pwede sa bahay na lang muna tayo.”

Anya, mas malaki kasi ang chances na mahawa tayo at maiuwi sa ating bahay ang virus pag nasa labas lagi tayo ng bahay.

Dagdag ni Melivo, “Kaya nga po nakikiusap tayo noong nakaraang linggo na payagang makapag-loan ang mga unemployed workers namin na walang kolateral para mag-work at home sila tulad ng online selling o makapagbukas ng maliit na negosyo na dyan lang sa bahay nila o malapit sa tinitirhan nila.”

Hiniling din ng grupo na isama ang tourism workers sa priority list ng babakunahan.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/03/22/2086061/stay-home-muna-ayon-sa-grupong-turismo

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.