Mga simbahan sa Novaliches at Cubao, isinara

Bilang pagtulong sa pamahalaan para maputol ang pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19 ay nagpatupad ng lockdown sa lahat ng simbahan sa ilalim ng Diocese of Novaliches at Cubao.

Sa Novaliches, inanunsiyo ni Bishop Roberto Gaa ang lockdown sa kanilang diyosesis simula Linggo, Marso 21, sa kanyang Healing Mass sa church-run Radio Veritas kasunod ng pakikipagpulong kay Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Ayon sa Obispo, nakakalungkot at nakababahala ang muling pagtaas ng kaso ng sakit sa bansa kaya’t mahalagang magkaisa ang lokal na pamahalaan at ang Simbahan upang mapigilan ang patuloy pang pagkalat nito.

Pag-aaralan pa kung muling bubuksan ang mga Simbahan sa Linggo ng Muling Pagkabuhay sa Abril 4.

Nagdeklara na rin ng dalawang linggong lockdown ang Diocese of Cubao mula Marso 22 hanggang Abril 4, upang higit na mahikayat ang mga mananampalataya na manatili sa kanilang mga tahanan.

Source: https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2021/03/22/2086025/mga-simbahan-sa-novaliches-cubao-isinara

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.