Loan para sa tourist workers, hiling

Hiniling ng isang tourism group sa pamahalaan na tulungan ang mga manggagawa sa sektor na makapag-loan sa mga financial institutions na walang kolateral ngayong pandemya.

Ayon kay Turismo, Isulong Mo President Raissa Melivo, malaking tulong kung makapag-loan ang mga manggagawa sa tourism para sa kanilang munting kabuhayan habang lugmok pa ang turismo sa mundo.

Dagdag niya, “It would be a big help kung hindi na sila hingan ng collateral kung 5,000 to 20,000 pesos lang naman ang hihiramin nila.”

Aniya, “Madami kami nakakausap at ito ang pakiusap nila sa pamahalaan, sa Department of Tourism, Department of Trade and Industry at Department of Finance na matulungan sila na maitawid itong pandemic by opening a small business habang wala pa ang mga turista.”

Ayon sa Philippine Statistics Authority, mahigit sa apat na milyong Pinoy ang hindi pa nakakabalik sa trabaho dahil nagsara ang kanilang pinagtatrabahuhan.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/03/15/2084319/loan-para-sa-tourist-workers-hiling

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.