Mga minor sa Metro Manila bawal lumabas ng bahay

Bunsod na rin sa nakaaalarmang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay tanging ang mga indibidwal na edad 18 hanggang 65 ang papayagang makalabas sa kanilang tinitirhang bahay.

Gumawa ng isang resolusyon ang Metro Manila Council, sa pamamagitan ng Metropolitan Manila Development Authority na magbabawal sa mga menor-de-edad, partikular ang edad na 15 hanggang 17, na lumabas ng kanilang bahay sa loob ng dalawang linggo.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, ang naturang hakbang ay napagkasunduan ng mga alkalde sa Metro Manila sa hangaring mapigilan ang pagkalat ng nasabing virus sa Kalakhang Maynila.

Ang mga multa o parusang ipapataw sa lalabag ay depende aniya, sa ordinansa ng bawat lungsod.

Wika ni Abalos, “Follow stringent measures particularly when around vulnerable family members, as there have been reports of transmission among family members.

Source: https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2021/03/17/2084900/mga-minor-sa-metro-manila-bawal-lumabas-ng-bahay

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.