Comelec, netizens may mga gimik sa social media para sa voter registration

May sari-saring gimik ang Commission on Elections pati ang netizens sa social media para makahikayat ng mga tao na magparehistro para sa halalan 2022.

Sa video-sharing platform na TikTok, may users na idinaan sa sayaw ang paghikayat habang ang iba’y nagbigay ng step-by-step instruction kung paano magparehistro.

Mismong si Comelec Spokesperson James Jimenez ay naki-TikTok din.

Ani Jimenez, “Remember ang social media is a very critical part of our process now kasi… nagpapa-appointment tayo through social media.”

Mula nang magsimula ang voters registration noong Setyembre 2020, 2.3 milyon pa lang ang nagpaparehistro, malayo sa 4 milyong target ng komisyon.

Inaasahan din ng Comelec ang nasa 1.5 milyon na magpapa-reactivate ng registration bago ito isara sa Setyembre 30.

Noong 2016 elections, nasa 10 milyon hanggang 15 milyon ang tantiya ng Comelec na hindi nagparehistro at hindi nakaboto.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/03/07/21/comelec-netizens-may-mga-gimik-sa-social-media-para-sa-voter-registration

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.