School lessons na di kailangan ng wi-fi hatid sa mga paaralan sa Negros Occidental

Tanda pa ng gurong si Daniel Dumdumaya, na taga-Negros Occidental, nang may lumapit sa kaniyang single parent at nagsabing patitigilin na sa pag-aaral ang anak na nasa Grade 2 dahil hindi nito matutukan ang pag-aaral at paggawa ng modules.

Ani Dumdumaya, guro sa E.B. Magalona Elementary School, “Sabi ko sa kaniya kung may problems sa modules anytime 24/7, you can call me.”

Ayon naman sa Grade 6 teacher na si Diarry Espolong, iba’t ibang diskarte ang kaniyang ginagawa sa pagtuturo para mas interesado ang kaniyang mga estudyante.

Kuwento ni Espolong, na nagtuturo sa Victorias Elementary School, “I would try harder and put animation in my PowerPoint presentations… Sometimes I send ‘hugot’ lines.”

Kaya naman ikinatuwa nina Dumdumaya at Espolong nang malamang may darating na 500 portable media library mula sa Knowledge Channel sa pakikipagtulungan ng provincial government ng Negros Occidental.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/03/08/21/school-lessons-na-di-kailangan-ng-wi-fi-hatid-sa-mga-paaralan-sa-negros-occidental

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.