Pasay at Malabon, nasa ‘critical risk’ sa COVID-19 pandemic

Apat na rehiyon sa bansa ang nakitaan ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 nitong mga nakaraang araw, ayon kay Health Secretary Francisco Duque.

Aniya, “May patuloy na pagtaas po ng mga kaso sa mga regions IV-A, Region III, ang Central Visayas or Region VII, at ang lalong-lalo na po, partikular ang NCR, na kung saan po nagpakita nang mataas na two-week growth rate…Nagkaroon po nang mataas na bilang ng kaso ng COVID ngayong kasalukuyang dalawang linggo kumpara po noong ikatlo hanggang ika-apat na linggong nakaraan.”

Sa Metro Manila, maituturing nasa “critical risk” classification ang Pasay City at Malabon City, habang “high risk level” ang mga lungsod ng Navotas, Makati at San Juan, ani Duque.

Pagdating sa health care utilization rate ng mga ospital, Region 7 at Cordillera Administrative Region ang pinakamataas na may 48 percent utilization.

Mataas din ng utilization rate ng Makati City at Davao Occidental.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/03/09/21/pasay-at-malabon-nasa-critical-risk-sa-covid-19-pandemic

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.