Pag-aaral: Bakuna ng Sinovac, epektibo laban sa P1 variant ng coronavirus

Ayon sa ulat kamakailan ng Reuters, ipinakita ng inisyal na resulta ng pag-aaral sa Brazil, na ang bakuna kontra COVID-19 na idinebelop ng Sinovac ng Tsina ay epektibo laban sa P1 variant ng coronavirus na unang natuklasan sa Brazil.

Ang bakuna ng Sinovac ay pangunahing uring ginagamit sa pagbabakuna sa Brazil.

Maaalala na animnaraang libong dosis ng bakuna kontra COVID-19 na kaloob ng Tsina sa Pilipinas, at gawa ng Sinovac Biotech Limited ang unang dumating sa hapon ng Pebrero 28 sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Lulan ang mga bakuna ng isang eroplano ng People’s Liberation Army Air Force ng Tsina.

Ito ang katuparan ng pangako ng Tsina sa panahon ng opisyal na pagdalaw ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, noong nagdaang Enero.

Isang seremonya ng paghahandog ang idaraos sa paliparan, na sasaksihan ni Pangulong Duterte at ilang miyembro ng kanyang gabinete.

Source: http://filipino.cri.cn/20210313/c5ddd75c-8914-52cf-edf9-494f80577570.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.