‘Quite alarming’: Bilang ng naka-admit na COVID-19 patients sa St. Luke’s dumoble

Pahayag ni Dr. Benjamin Campomanes, chief medical officer ng St. Luke’s hospital, “We have seen a steady increase in the rise ng COVID cases…’yung dati nating siguro max na 35, mga 50 to 60 na ngayon ang mga COVID beds na occupied ng mga pasyente.”

Sinabi ni Campomanes na nakababahala umano ang pag-doble ng bilang ng mga pasyenteng nagpopositibo sa COVID-19 sa kanilang ospital.

Dagdag niya, “Quite alarming, halos double ang increase ng kaso…Dumoble, pero hindi pa kami puno. Ang puno 102 sa Global, and 104 sa Quezon City.”

Sa kumakalat na messages sa Viber, sinasabing nagbubukas na ng COVID wards ang ilang ospital sa Metro Manila dahil puno na ang mga ito ng mga pasyenteng positibo sa virus.

Ayon naman kay Campomanes, hindi pa fully occupied ang kanilang mga ospital.

Sa pag-aaral ng OCTA Research Group, sinabi ng mga eksperto na tumataas ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/03/06/21/quite-alarming-bilang-ng-naka-admit-na-covid-19-patients-sa-st-lukes-dumoble

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.