ALAMIN: Pinoy athletes, teams na may tsansa pang pumasok sa Tokyo Olympics

May ilan pang atleta at koponang may tsansa pang makapasok sa Tokyo Olympics nitong Hulyo hanggang Agosto.

Sa golf, may pag-asa pa ngang makakuha ng medalya sina Yuka Saso at Bianca Pagdanganan. Ika-21 si Saso, habang ika-41 naman si Pagdanganan sa world rankings na kailangan nilang panatilihin para mag-qualify.

Inaasahan ding papasok ang skateboarder na si Margielyn Didal, kung ibabase ang kaniyang world ranking na 12 ngayon.

Ang Gilas Pilipinas may tsansa pang pumasok sa Olympics matapos bigyan ng slot sa Olympic Qualifying Tournament sa Hunyo sa Belgrade.

Ang Pilipinas ang papalit sa nag-back out na New Zealand, at makakasama nila sa Group A ang Serbia at Dominican Republic na maglalaban sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 4.

Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas, posibleng maging bahagi ng team sina NBA hopeful Kai Sotto, at Angelo Kouame, na nasa Senado na ang bola para sa pagiging naturalized player niya.

Source: https://news.abs-cbn.com/sports/03/05/21/alamin-pinoy-athletes-teams-na-may-tsansa-pang-pumasok-sa-tokyo-olympics

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.