Mobile app para sa pagbabantay sa Manila Bay, Laguna de Bay inilunsad

Inilunsad ng Department of Science and Technology ang isang app na layong ma-monitor ang kalidad ng tubig sa Manila Bay, Laguna de Bay at iba pang yamang kalikasan sa bansa at magsilbing plataporma para iulat ang ilang paglabag kontra sa konserbasyon nito.

Ito ang MASDAN app, na binuo sa ilalim ng DOST Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development. Layunin nito na makatulong sa pangangalap ng reports tungkol sa iba’t-ibang isyung pangkalikasan.

Parte ito ng IM4ManilaBay Program kung saan layon na magkaroon ng integrated mapping, monitoring at analytical network system para sa Manila Bay at ng project MapABLE na gumagamit ng makabagong teknolohiya pagdating sa kalikasan.

Sa app, nais maitala ang mga sumbong tungkol sa mga paglabag na may kinalaman sa kalikasan gamit ang makabagong teknolohiya, ayon sa proponent ng programa na si Dr. Ariel Blanco.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/03/05/21/mobile-app-para-sa-pagbabantay-sa-manila-bay-laguna-de-bay-inilunsad

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.