Dating health secretary Cabral sa publiko: ‘Wag maghintay ng perpektong bakuna’

Sa pag-aaral ng OCTA Research Group, nakitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region na nakapagtala ng higit 900 bagong impeksiyon kada araw mula Pebrero 26 hanggang ika-4 ng Marso.

Ayon sa mga eksperto, posibleng sanhi ito ng presensiya ng UK at South African variants sa bansa.

Para kay dating Health Secretary Esperanza Cabral, hindi pa tiyak ito at kailangan pa ng masusing pag-aaral para masabing ito ang laganap na variant sa bansa.

Wala pa ring pag-aaral ang mga eksperto sa epekto ng COVID-19 vaccines tulad ng AstraZeneca laban sa South African variant.

Gayunpaman, dapat na magamit ang naturang bakuna sa bansa dahil ang laganap pa rin dito ay ang unang strain ng COVID-19.

Sa pagdami ng kaso ng COVID-19, dumarami na rin aniya ang mga pasyenteng nasa ospital.

Dagdag niya, “Sa PGH, punong-puno na sila, ganun din sa malalaking ospital…[dumadami ang pasyenteng may COVID].”

Source: https://news.abs-cbn.com/news/03/06/21/dating-health-secretary-cabral-sa-publiko-wag-maghintay-ng-perpektong-bakuna

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.