Tsina, patuloy na makikipagtulungan sa WHO kaugnay ng paghahanap sa pinanggalingan ng COVID-19

Nakahanda ang Tsina na patuloy na makipagtulungan sa World Health Organization para magkasamang pasulungin ang mga gawaing may kinalaman sa pagsusuri sa pinanggalingan ng COVID-19.

Ito ang sabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, makaraang ipinid ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan, punong lehislatura ng bansa.

Saad ni Li, ang pandemiya ay pandaigdigang pangkagipitang pangyayaring pangkalusugan.

Tulad ng lahat, umaasa ang Tsina na malalaman ang pinanggalingan ng virus sa lalong madaling panahon para maputol ang pagkalat ng salot at mabisang matugunan ang pandemiya.

Diin ng premyer Tsino, masalimuot at siyentipiko ang pagsusuri sa pinagmulan ng virus, kaya, kailangang magkapit-bisig at magkaisa ang lahat ng mga bansa.

Pananatilihin ng Tsina ang pakikipag-ugnayan at suporta sa WHO, at laging bukas ang bansa sa mga dalubhasa ng organisasyon sa kanilang pagsiyasat.

Source: http://filipino.cri.cn/20210311/473cf9d1-e3ba-1d1c-35d2-f1e67c3a9d21.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.