Phivolcs todo-bantay pa rin sa Mt. Pinatubo dahil sa mga paglindol

Patuloy na binabantayan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang bulkang Pinatubo sa Pampanga na nananatili sa Alert Level 1.

Pahayag ni Phivolcs Director Renato Solidum, dahil sa tuloy-tuloy na mga paglindol, may bahagyang low level of unrest ngayon sa Pinatubo at ito ay dapat malaman ng publiko.

Sa ngayon ay wala pa naman aniyang nakikitang ebidensiya na magkakaroon ng imminent eruption. Tanging mga pagkilos pa lamang ng fault at wala pang senyales na may umaakyat na magma o gas.

Paalala niya, “Babantayan nating mabuti ang Pinatubo pero wala namang recommendation na mag-evacuate. Ang restriction lang natin kung wala namang importanteng gagawin sa crater ng Pinatubo ‘wag nang pumunta. Kung meron man, extreme caution, ibayong pag-iingat.”

Pwede aniyang humupa ang aktibidad ng bulkan, pero pwede ding magpatuloy.

Sabi niya, “Ang importante, aware na ang mga tao na may nangyayari.”

Source: https://news.abs-cbn.com/video/news/03/06/21/phivolcs-todo-bantay-pa-rin-sa-mt-pinatubo-dahil-sa-mga-paglindol

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.