Ramdam ng PGH ang muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19

Ramdam na sa Philippine General Hospital, na isa sa mga COVID-19 referral facility sa Metro Manila, ang muling pagtaas ng mga kaso.

Nitong ika-6 ng Marso, iniulat ni PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario na tuloy-tuloy ang pagdami ng mga naa-admit.

Nakapagtala aniya ang ospital ng 105 novel coronavirus disease cases, pinakamataas sa nagdaang apat na buwan. Bukod doon, 15 health care workers ng PGH ang nagkaroon ng COVID-19 sa unang apat na araw ng Marso.

Napag-alaman din mula Philippine Genome Center na isa sa 30 samples mula sa PGH ang nagpositibo sa South African variant.

Dahil dito, pansamantalang ipinagbawal ang walk-in patients sa outpatient department ng PGH.

Sinuspende rin muna ang rotation ng medical clerks at interns pati na ang elective surgical procedures para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Hinikayat din ang lahat ng mga eligible staff na magpapabakuna kontra sa COVID-19.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/03/07/21/pagdami-ng-covid-19-cases-bumilis-dahil-sa-variants-octa-research

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.