Ilang naturukan ng AstraZeneca COVID-19 vaccines idinetalye ang naramdaman

Sa pagsisimula ng rollout ng bakuna ng AstraZeneca sa mga ospital sa Kamaynilaan, ipinaalala ng mga naturukan na ligtas magpabakuna, at hindi dapat mabahala dito.

Pinakanaunang nabakunahan ng AstraZeneca sa bansa si Dra. Olga Virtusio, hepe ng Parañaque City Health Office.

Ani Virtusio, “I don’t feel anything. I think being the head of our city health office in Parañaque City, that prompted me to lead my staff to show the people that this is a very safe vaccine, so I don’t think na dapat tayo ay matakot sa bakuna.”

Isa rin sa nabakunahang health worker ang 60-anyos na si Alfred Ferrer, accountant ng ospital. Wala siyang naramdamang side effect pagkatapos ng nakatakdang observation period.

Ani Ferrer, “Kailangan natin ng proteksiyon bukod sa minimum health standards na sinasabi.”

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., inuunti-unti muna ang roll out ng AstraZeneca vaccines para maobserbahan ang side effects nito.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/03/06/21/ilang-naturukan-ng-astrazeneca-covid-19-vaccines-idinetalye-ang-naramdaman

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.