Pagdami ng COVID-19 cases bumilis dahil sa variants: OCTA Research

Naniniwala ang OCTA Research Group na mas bumilis ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19 dahil sa United Kingdom at South African variants ng virus na natuklasan sa bansa.

Ani Guido David, fellow ng grupo, na binubuo ng mga propesor na nagsasagawa ng mga pag-aaral sa datos ng COVID-19 cases, “Hindi na ito uptick, this is a serious increase. Noong holiday mabagal, nag-increase ang mobility, may pandemic fatigue na ‘yong mga tao, nakikita natin possibility, driven ito ng variant, kasi yung rate of infection mas mabilis pa ngayon.”

Ayon kay David, posibleng umabot ng 5,000 hanggang 6,000 ang kaso ng COVID-19 kada araw bago matapos ang Marso.

Bagaman kailangan makabangon ang ekonomiya, iginiit ni David na dapat pag-aralan ulit ng gobyerno ang protocols pagdating sa international at local travel pati na ang pagbubukas ng mga establisimyento na may mga inuman at videoke.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/03/07/21/pagdami-ng-covid-19-cases-bumilis-dahil-sa-variants-octa-research

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.