Pagpatay sa 9 aktibista sa Southern Tagalog kinondena, iniimbestigahan

Nasa siyam na aktibista ang patay at anim ang arestado sa sunod-sunod na operasyon ng pulisya sa Southern Tagalog noong ika-7 ng Marso laban sa umano’y mga hinihinalang miyembro ng armadong pakikibaka.

Sa isang pahayag, sinabi ng Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto na tila-‘tokhang style’ ang ginawang crackdown ng pulisya sa mga aktibista sa Calabarzon.

Ani SELDA secretary general Rosalia Bacarra, “SELDA vehemently condemned the massive Tokhang-style crackdown in Southern Tagalog region… The intensified attacks against progressives in Southern Tagalog is clearly an act of terrorism – an abominable series of crime to spread fear and terror across the land… We have to stop Duterte’s thirst for blood before it’s too late.”

Sa isang pahayag ng pulisya, sinabi nilang lehitimo ang kanilang operasyon sa bisa ng mga search warrants mula sa korte.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/03/08/21/pagpatay-sa-9-aktibista-sa-southern-tagalog-kinondena-iniimbestigahan

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.