IMF: Ikinalulugod ang mas malaking pagpapahalaga ng Tsina sa kalidad ng paglago ng kabuhayan

Ikinalulugod ng International Monetary Fund ang mas malaking pagpapahalaga ng Tsina sa kalidad ng paglago ng kabuhayan, at pagpapasulong sa de-kalidad na pag-unlad.

Winika ito ni Gerry Rice, Tagapagsalita ng IMF sa isang virtual press briefing nitong Huwebes, ika-11 ng Marso.

Saad ni Rice, iniharap ng Tsina ang target ng mahigit 6% paglago ng kabuhayan sa kasalukuyang taon, at ipinakikita nitong ibayo pang pinahahalagahan ng bansa ang de-kalidad na paglago at rebalancing ng kabuhayan.

Ipinalalagay niyang, alang-alang sa medyo malaking epekto ng pandemiya ng COVID-19 sa paglaki ng kabuhayan, at mabilis na pagbangon ng kabuhayang Tsino, walang problema ang pagsasakatuparan ng Tsina ng nasabing target.

Dagdag niya, ang pagtanggap ng IMF sa ginawang pagsisikap ng Tsina para sa pagharap sa pagbabago ng klima, at pagsasakatuparan ng carbon neutrality bago mag-2060.

Source: http://filipino.cri.cn/20210312/d839204c-6547-3477-3eaf-4ef8a236edac.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.