Laguna branch ng ‘ilegal na insurance company’ sinalakay ng NBI

Sinalakay ng National Bureau of Investigation Region 4 ang tanggapan ng isang preneed insurance company sa Cabuyao, Laguna na ilegal umanong nag-o-operate.

Ayon kay Dante Bonoan, NBI assistant regional director, hindi rehistrado sa Insurance Commission ang Wind Mortuary Insurance na pagmamay-ari ng isang Edwin Lumawas.

Sa kanilang branch office sa Cabuyao City, inaresto sa entrapment operation ang kanilang vice president na si Eduardo Paras at tatllong tauhan.

Todo-tanggi si Paras sa paratang at iginiit na biktima lang din sya.

Ayon sa NBI, may head office ang naturang insurance company sa General Santos City.

Modus umano ng Wind Mortuary Insurance na magbenta ng mga preneed insurance para sa funeral services sa halagang 6,358 piso bawat policy pero marami na ang namatay na hindi nakakuha ng benipisyo.

Umaabot sa higit 600 na mga agents at policy holder ang naging biktima, sabi ng NBI.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/03/04/21/laguna-branch-ng-ilegal-na-insurance-company-sinalakay-ng-nbi

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.