Mobile salon, bagong misyon ng grupong nag-aalok ng libreng gupit sa mga pulubi

Mas malaki ang misyon ngayon ng isang hairstylist na nagbibigay ng libreng gupit sa mga street dweller sa Metro Manila.

Ayon kay Marko Bustarde, pangarap niyang magkaroon ng mobile salon o barbershop na iikot para magbigay ng libreng serbisyong gupit sa mga pulubi at homeless.

Sabi ni Bustarde, “Iikot siya at ang purpose nun, magbigay ng libreng pagkain sa mga stray dogs and cats; at the same time, libreng service na haircut, total makeover sa mga homeless, yung mga taong walang pambayad sa hygiene pagdating sa haircut. Yun ang plano ko sanang matupad.”

Ikinatutuwa ni Bustarde na maraming mga tulad niyang nagtatrabaho sa hair industry ang kasama na niya ngayon sa misyon. Tinawag nila ang kanilang grupo na “Team Hair Artists Pilipinas.”

Noong nakaraang taon unang naisip ni Bustarde ang manggupit nang libre sa mga taong nakatira sa kalsada. Siya’s isang senior hairstylist sa isang salon.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/03/04/21/mobile-salon-bagong-misyon-ng-grupong-nag-aalok-ng-libreng-gupit-sa-mga-pulubi

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.