Tinanggal na ambassador aapela sa korte, nais makuha ang pensiyon

Matapos sabihing “railroaded” ang pagresolba sa kaniyang kaso, aapela sa korte si Marichu Mauro, ang dating ambassador sa Brazil na sinibak dahil sa panggugulpi sa kaniyang Pinay helper.

Nilinaw niya na hindi niya binibigyang katuwiran ang pananakit sa kasambahay.

Pero hindi aniya angkop sa kanyang nagawa ang ipinataw na dismissal kaya idudulog niya ito sa Court of Appeals.

Sabi niya, “Suspension lang sana… Dismissal is not proportionate to the offense or damage.”

Posible umanong “under pressure” ang Department of Foreign Affairs hearing panel sa ibinaba nilang desisyon at hindi nabigyang merito ang kanyang ebidensiya.

Ayon sa dating ambassador, hindi rin siya personal na nakaharap sa nag-imbestigang panel.

Aminado man sa hindi katanggap-tanggap na pananakit, iginiit ni Mauro na nagkulang ang DFA sa pagtama sa nalikhang impresyon na mapang-abuso siyang diplomat sa mga Filipino migrants.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/03/04/21/tinanggal-na-ambassador-aapela-sa-korte-nais-makuha-ang-pensiyon

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.