6.77 milyong hektaryang kagubatan, tinamnan ng Tsina noong 2020

Noong isang taon, tinamnan ng Tsina ang 6.8 milyong hektaryang kagubatan, inalagaan ang 8.4 milyong hektaryang kagubatan, tinamnan at pinaganda ang 2.8 milyong hektaryang damuhan, at natupad ang pagpigil at pagsupil sa desertipikasyon ng mahigit 2.1 milyong hektaryang lupa.

Ang nasabing mga datos ay makikita sa Komunike hinggil sa Kalagayan ng Pagsasaluntian ng Lupa ng Tsina sa taong 2020 na inilabas kamakailan ng Tanggapan ng Pambansang Komisyon ng Pagsasaluntian ng Tsina.

Ayon pa rin sa komunike, kapansin-pansin ang natamong bunga ng pag-unlad ng berdeng industriyang nagpayaman ng mga mamamayan at nagbibigay-tulong sa kahirapan sa aspekto ng ekolohiya.

Umabot sa 7.6 trilyong yuan ang kabuuang halaga ng industriya ng panggugubat ng buong bansa, at 160 bilyong dolyares naman ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng mga produkto ng panggugubat.

Source: http://filipino.cri.cn/20210312/93b562aa-e397-caff-2855-909c34669d96.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.