Paano maaabot ang herd immunity?

Ayon sa isang scientist, may iba-ibang bagay na kailangang i-compute para matukoy kung ilan ang dapat bakunahan para maabot ang herd immunity. Kasama na rito ang bilis ng pagkalat ng sakit.

Ani Dr. Marilen Balolong, propesor ng microbiology at immunology sa University of the Philippines-Manila, “Sa ngayon yata ang report ng SARS-CoV-2 ay sa isang tao kaya niyang manghawa ng 2 to 3 persons. Wala pang variant ‘yan. Ibig sabihin kung mayroon tayong variant na ang mutation… puwedeng tumaas ng 4 to 5 ang mahahawaan.”

Hindi pa isinasaalang-alang ang UK at South Africa variant ng virus nang tukuyin ng gobyerno ang 70 milyon na target ng bansa.

Ayon sa gobyerno, ang pinakamagandang scenario ay maabot ng Pilipinas ang target na iyon nang 2021, pero posibleng maantala pa ito depende sa supply ng bakuna. Umaasa ang mga eksperto na makakarating sa Pilipinas ang mas maraming bakuna at iyong may mas mataas na efficacy rate.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/03/02/21/herd-immunity-mahihirapang-maabot-kung-marami-ang-di-magpapabakuna

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.