Bagong pag-asa: Tsuper na namalimos ng magtigil-pasada dahil sa pandemya, hinandugan ng food cart

Nabigyan ng panibagong pag-asa ang isa sa mga jeepney driver na naapektuhan ng pandemyang dulot ng COVID-19.

Nitong nakaraang linggo, nakatanggap ang driver na si Rodel Roldan ng food cart para masimulan ang kaniyang fishball business.

Si Roldan ay isa sa mga namamalimos na driver matapos na hindi pa mapayagang makabiyahe. Ginawa umano niya ang pamamalimos para may pangtustos sa pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Bukod sa pandemya, naaksidente rin si Roldan matapos mahulog sa trak.

Sa tulong ng programang Kabayan sa TeleRadyo at ng Pilipinas Shell Foundation Incorporated, natugunan ang hiling ni Roldan na magkaroon ng puhunan para sa nais na fishball business.

Aniya, “Sumasapat naman po, kahit papaano naibibigay ko pangangailangan ng mga bata saka nakakakain kami nang maayos sa araw-araw. Malaking bagay po itong pinagkaloob ninyo sa amin.”

Source: https://news.abs-cbn.com/news/03/04/21/bagong-pag-asa-tsuper-na-namalimos-ng-magtigil-pasada-dahil-sa-pandemya-hinandugan-ng-food-cart

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.