ALAMIN: Gaano katagal ang epekto ng bakuna kontra COVID-19, tinalakay

Patuloy ang pag-rollout ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa pero marami pa rin ang may agam-agam na magpabakuna.

Kung gaano katagal ang epekto ng bakuna, sabi ni Dr. Rontgene Solante, kasapi ng Department of Science and Technology-Department of Health COVID-19 vaccine panel, “Hindi pa natin alam sa ngayon. Ibig sabihin niyan itong mga bakuna dahil interim data lang ito, two to three months na naibigay ‘yung sa mga trial, kaya ginamit kasi naka-establish ng efficacy, so hindi natin alam kung hanggang kailan ang duration ng immunity.”

Dagdag niya, “Malalaman din natin ‘yan pagkatapos ng mga phase three trials nila after one year kasi makukuha na nating data nila on those na nabigyan ng bakuna at saka level ng antibody na kasalukuyan ay minomonitor din. Malaking bagay na hintayin natin ang mga data after ng phase three trials.”

Source: https://news.abs-cbn.com/video/news/03/03/21/alamin-allergy-sa-mga-gamot-at-iba-pang-katanungan-tungkol-sa-covid-19-vaccine-tinalakay

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.