Pilipinas maaari na muling magpadala ng household workers sa UAE

Matapos ang 2 araw na pulong, nagkapirmahan ang Pilipinas at United Arab Emirates ng bilateral labor agreement kaya papayagan na ulit ang deployment ng household service workers doon sa katapusan ng Marso.

Maaalalang 2014 nang suspendihin ng Pilipinas ang pagpapadala ng mga HSW sa UAE dahil sa kawalan ng kasunduan para sa proteksyon ng mga OFW.

Pero dahil legal sa UAE ang pag-convert ng tourist visa sa work visa, sinamantala ito ng mga illegal recruiter.

Sabi ni Madolyn Uanang, presidente ng Philippine Association of Manpower Agencies for the United Arab Emirates, “Ito kasing mga umaalis na tourist syempre wala kang dokumento, sinasamantala ka eh, wala kang laban diyan, wala ka ngang proteksyon diyan… Unpaid salaries, overworked, hindi tama sa oras, not on time ang sahod.”

Dahil dito, 80 porsiyento ng mahigit 600,000 OFWs sa UAE ang undocumented, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/03/03/21/pilipinas-maaari-na-muling-magpadala-ng-household-workers-sa-uae

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.