Pandaigdigang kooperasyon ng Tsina sa bakuna kontra COVID-19, walang anumang kondisyong pulitikal

Ang pandaigdigang kooperasyon ng Tsina sa bakuna kontra COVID-19 ay naglalayong pangalagaan ang buhay, kaligtasan, at kalusugan ng mas maraming tao, at walang anumang kondisyong pulitikal sa aspektong ito.

Winika ito ni Zhang Yesui, tagapagsalita para sa ika-4 na sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, sa preskong idinaos noong ika-4 ng Marso 2021.

Sinipi rin ni Zhang ang pahayag ni Pangulong Xi Jinping sa Ika-73 World Health Assembly noong Mayo 2020, na “magiging produkto para sa kalusugang pandaigdig ang mga idedebelop na bakuna kontra COVID-19 ng Tsina, at magbibigay-ambag ang Tsina sa paggarantiya sa pagkuha ng mga ummunlad na bansa ng mga bakuna.”

Source: http://filipino.cri.cn/20210304/28b016c2-2062-b110-6a21-6bfa8e4a8d0e.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.