Fried Chicken ni Gloc-9: OPM rapper, ibinahagi ang kanyang negosyo

Nagbunga ng isang negosyo ang pandemya para kay Gloc-9 o Aristotle Pollisco sa totoong buhay. Naisip ng rapper na kailangan masiguro na may pagkakakitaan siya para sa pamilya sa kabila ng pandemya.

Aniya, “I think January [last year] may mga gig pa kami…Then noong nag-lockdown, sabi ko pa sa sarili ko, parang siguro matagal na ‘yung three months…Then after three months, doon ko na-realize na…hindi yata ito biro.”

Dagdag niya, “Na realize ko na… As a father and as a provider din, kailangan kong maghanap ng ways kung paano kumita. Naisip ko since mahilig din akong magluto… Magbenta kaya ako ng fried chicken?”

Kasama rin sa negosyo ni Gloc-9 ang pagbebenta ng kape.

Aniya, “Kasi noong nag-celebrate ako ng aking 23rd anniversary ay nag-release kami ng Kapeng Barako ni Gloc-9. Dapat limited lang ‘yon pero ang daming kumuha. Kaya ang sabi namin, sige magbenta pa tayo.”

Source: https://news.abs-cbn.com/life/03/01/21/fried-chicken-ni-gloc-9-opm-rapper-ibinahagi-ang-kanyang-negosyo

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.