Abogado sumalang sa bike delivery para tulungan ang kaibigan

Umani ng paghanga mula sa komunidad ang ginawang pagtulong ng isang abogado sa kaniyang empleyado, na tinuturing niyang malapit na kaibigan, sa Cagayan de Oro.

Naging usap-usapan sa social media si Alfred Gaccion at ang kaniyang malasakit sa kaniyang empleyado ng 14 na taon na si Carl Piscos, na na-stroke.

Maliban sa kanyang personal na pagtulong kay Piscos sa kanyang therapy at gastos sa gamutan, naisipan ni Gaccion na sumalang bilang bike delivery driver sa Streetby, isang delivery app.

Dahil isa siyang bike enthusiast at nag-eenjoy sa nasabing sport, naisip ni Gaccion na gawin ang bike delivery. Kikita siya sa delivery, at libre na rin ang kanyang exercise sa kinahiligan na pagbiseklita.

Lahat ng kaniyang kita, tips at commission sa pag-deliver ay mapupunta kay Piscos, at lahat ng delivery sales ay tutumbasan niya ng pera para sa kaibigan.

Aniya, 30,000 pesos na ang kaniyang nalikom na kita. May nag-sponsor na rin sa operasyon ni Piscos.

Source: https://news.abs-cbn.com/life/03/04/21/abogado-sumalang-sa-bike-delivery-para-tulungan-ang-kaibigan

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.