BI: Dayuhan na may expired reentry permits, puwede nang makapag-renew sa mga paliparan

Maaari nang makapag-renew at makabiyahe sa Pilipinas ang mga dayuhan na may expired reentry permits, ayon sa Bureau of Immigration.

Sa memorandum na inilabas ni Immigration Commissioner Jaime Morente, ipatutupad ang bagong panuntunan sa mga dayuhan na naisyuhan na ng ‘immigrant at non-immigrant visas’ at nais bumalik ng Pilipinas makaraang ma-stranded sa ibang bansa dulot ng pandemya.

Unang iniutos ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa BI na payagan nang makapasok ng bansa ang mga dayuhan na may expired reentry permits at special return certificates paglapag ng Pilipinas sa halip na pabalikin sila sa pinanggalingang bansa.

Ang reentry permits ay iniisyu sa mga may hawak na immigrant visa at isa nang permanenteng residente sa Pilipinas habang ang special return certificates ay ibinibigay sa mga ‘non-immigrant’ na may hawak na working visa o kaya ay student visa.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2021/03/01/2081065/bi-dayuhan-na-may-expired-reentry-permits-puwede-nang-makapag-renew-sa-mga-paliparan

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.