‘Ang tagal naman’: Pahayag ni Duterte na 2023 pa magbabalik-normal ang PH ikinabahala

Nababahala ang ilang maliliit na negosyo, maging ang ilang eksperto sa komento ng Pangulo na sa taong 2023 pa maakabalik sa normal ang Pilipinas sa gitna ng pandemya.

Babala ng economist na si Calixto Chikiamco, maaaring mawalan ng kumpiyansa ang mga negosyante, namumuhunan, at mismong mga konsyumer.

Aniya, “It is kind of scary, because it will put a chill on consumption, it will put a chill on lending, it will put a chill on investments. It is quite a pessimistic scenario, because that will mean you will have two more years where you have some kind of lockdown, and mobility restrictions, and this will of course take a toll on economy.”

Dagdag pa ni Laban Konsyumer president Vic Dimagiba: “Kung walang input or information, na galing sa iba-ibang sector…mainculclate ng national leadership na ‘yun na nga ‘yung timeline. Dito po sa ASEAN…mga kapitbahay nating bansa, baka by the end of the year back to their normal place na sila.”

Source: https://news.abs-cbn.com/business/03/03/21/ang-tagal-naman-pahayag-ni-duterte-na-2023-pa-magbabalik-normal-ang-ph-ikinabahala

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.