Internet speed lalo pang tumaas nitong Pebrero

Naitala ang pinakamataas na average download speed para sa fixed broadband sa bansa noong buwan ng Pebrero 2021, ayon sa National Telecommunications Commission.

Ayon sa Ookla Speedtest Global Index, nakapagtala ng 5.7 points na pagtaas mula sa dating 32.7 Mbps noong nakaraang buwan patungo sa 38.5 Mbps nitong Pebrero. Dahil dito, nagkaroon ng buwanang pagtaas sa download speed na 18%.

Umabot naman sa 253% ang itinaas sa average download speed nitong Pebrero sa 26.2 Mbps kung ikukumpara noong Hulyo 2016 na mayroon lamang 7.9 Mbps download speed.

Ang malaking pag-unlad sa internet speed sa bansa ay makaraan ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 2020 na pabilisin ng mga lokal na pamahalaan ang pagproseso sa mga permits ng mga telecommunication companies para makapagpatayo ng mga imprastraktura.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/03/03/2081543/internet-speed-lalo-pang-tumaas-nitong-pebrero

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.