Mag-ingat online

Sina John at Brian ay parehong teenager – at dahil mga lalake – natuwa silang magkaroon ng bagong online friend na isang magandang babae. Nakipag-kaibigan ito at dahil napakaganda ng larawan niya sa kanyang Facebook page, agad na pumayag sina John at Brian.

Hindi nagtagal, sinabihan sila ng babae na, “kapag pinadalhan ninyo ako ng inyong hubad na larawan, ipapadala ko rin sa inyo yung sa akin.”

Nagpadala naman sila, kaya sila na-blackmail. “Kung hindi kayo magpapadala ng pera, ipakakalat ko ang nude pictures ninyo sa Internet.”

Dahil sa takot, pinadala ni John ang kanyang laptop, cell phone at camera habang si Brian naman ay nagsumbong sa kanyang mga magulang. Lumapit sila sa NBI, at natunton ang pinagmulan ng mensahe – isang sindikato sa Pampanga.

Ngunit hindi lang mga bata ang nabibiktima ng scammer. Naloko rin ang isang lola ng kanyang Internet boyfriend at natangayan siya ng tatlong milyong piso!!

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2021/03/03/2081682/hows-tita-jing-tips-para-maging-ligtas-online

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.