Pag-aalis ng travel authority, quarantine requirements idinepensa ng DILG

Idinepensa ng Department of the Interior and Local Government ang desisyong alisin na ang ilang requirements at paluwagin ang ilang health protocols ng mga biyahero, kahit pa nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.

Kasunod ito nang pagbatikos ni Vice President Leni Robredo sa pagtatanggal ng quarantine at testing protocols, dahil maaari aniya itong maging dahilan ng biglang pagdami ng COVID cases.

Nilinaw ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na ang RT-PCR test ay hindi kailanman naging requirement mula sa national government, at sa halip ay ang mga local governments aniya ang nag-require nito.

Hinggil naman sa pagtatanggal ng quarantine requirement, kinonsulta nila ang mga health professionals at iminungkahi ng mga ito na wala nang biyahero ang ire-require na sumailalim sa facility-based quarantine.

Sinabi rin ni Malaya na ang kritisismo ni Robredo ay ‘misplaced’ o wala sa lugar.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/03/03/2081553/pag-aalis-ng-travel-authority-quarantine-requirements-idinepensa-ng-dilg

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.