ALAMIN: Allergy sa mga gamot at iba pang katanungan tungkol sa COVID-19 vaccine, tinalakay

Patuloy ang pag-rollout ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa pero marami pa rin ang may agam-agam na magpabakuna.

Sabi ni Dr. Rontgene Solante, kasapi ng Department of Science and Technology-Department of Health COVID-19 vaccine panel, “Iba ang allergy sa penicillin at iba ang allergy sa bakuna, magkahiwalay yan at ‘di pwedeng ipag-ugnay ‘yan na kung allergic ka sa isang gamot, allergic ka rin sa bakuna.”

Aniya, “Hindi contraindication ‘yung mga allergy sa pagkain o sa mga gamot. Kung gusto lang nilang magiging confident sila doon, they can consult their allercologist para mabigyan ng guidance.”

Kung pwede bang maturukan ang kasalukuyang may sakit ng Covid-19, sagot ni Dr. Solante, “‘Yung mga nagkasakit ng coronavirus, as long as wala na kayong simtomas you are still OK to get the vaccine. As long as you have the active symptoms, the infection, hindi pa pwede. Bibigyan ka kung fully recovered ka na.”

Source: https://news.abs-cbn.com/video/news/03/03/21/alamin-allergy-sa-mga-gamot-at-iba-pang-katanungan-tungkol-sa-covid-19-vaccine-tinalakay

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.