Taiwanese dinukot at ilang beses na ibinenta umano sa mga POGO company

Isang Taiwanese na umano’y biktima ng kidnapping ang nasagip sa Parañaque City.

Nagpadala ng reklamo sa opisina ng hepe ng Philippine National Police ang kinatawan ng Taipei Economic and Cultural Office police attachè ng Taiwan Embassy, na dinukot umano ang isang Taiwanese national sa Makati City.

Nakikipag-ugnayan umano sa kanila ang biktima sa pamamagitan ng text message.

Natunton ang kinaroroonan ng biktima sa 28th floor ng isang gusali sa Parañaque City. Mag-isa lang ang biktima nang makita ng mga pulis.

Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, Pebrero 26 nang mag-apply ang biktima ng trabaho sa pamamagitan ng isang mobile app sa isang social media platform na pinapatakbo ng isang Chinese company.

Ibinebenta siya sa halagang 30,000 Chinese renminbi para sa isang POGO company.

Nitong Marso 1, muli na naman umanong ibinenta ang biktima sa halagang 30,000 Chinese renminbi sa isa pang POGO company.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/03/02/21/taiwanese-dinukot-at-ilang-beses-na-ibinenta-umano-sa-mga-pogo-company

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.