‘Herd immunity mahihirapang maabot kung marami ang di magpapabakuna’

Mahirap abutin ang herd immunity kung tatanggi ang maraming Pilipino na magpabakuna laban sa COVID-19, ayon sa Department of Health.

Ani Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire, “As long as there are people refusing to be vacicnated, lumalayo nang lumalayo ang ating target at lumalayo nang lumalayo ‘yong tsansa na maka-achieve ng herd immunity na sinasabi natin.”

Nasa 70 milyong Pilipino ang target ng gobyerno na mabakunahan para maabot ngayong taon ang herd immunity, na isang paraan upang mapigil na ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, isang moral obligation ang pagpapabakuna.

Aniya, “Ito ay moral obligation po ng lahat ng mga tao na tayo na dapat, tayo ay magpabakuna at dapat ‘wag nating hintayin ‘yong tinatawag na ‘best vaccine.'”

Ayon sa mga eksperto, ang herd immunity ay puwedeng maabot kung may sapat na bilang ng mga tao sa isang populasyon ang mababakunahan laban sa sakit.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/03/02/21/herd-immunity-mahihirapang-maabot-kung-marami-ang-di-magpapabakuna

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.