Pasay City di pa kailangan isalilalim sa ECQ, ayon sa mayor

Hindi pa kailangang isailalim sa enhanced community quarantine o mas mahigpit na lockdown ang Pasay City, sabi noong Huwebes ni Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Reaksiyon ito ng alkalde sa suhestiyon ng ilang eksperto matapos maitala sa lungsod ang 4 na kaso ng mas nakahahawang South African variant ng SARS-COV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19.

Ayon kay Rubiano, hindi lang ang lokal na pamahalaan ng lungsod ang magpapasya kung hihigpitan ang lockdown restrictions sa lungsod dahil kailangan ding may rekomendasyon mula sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Nakarekober na rin aniya sa sakit ang 4 na kaso ng South African variant.

Sa kabuuan, nakapagtala ang lungsod ng mga 8,300 kumpirmadong kaso, kung saan lampas 7,500 ang gumaling na.

Nasa 210 kabahayan ang apektado ng mga lockdown na ipinatupad ng city government sa 77 barangay.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/03/04/21/pasay-city-di-pa-kailangan-isalilalim-sa-ecq-ayon-sa-mayor

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.