National Museum, bukas na uli sa publiko

Matapos ang halos isang taong pagkasara, bubuksan na ang National Museum of the Philippines, o ang Museo Pambansa sa Maynila.

Kabilang sa magbubukas ay ang National Museum of Fine Arts, National Museum of Anthropology at National Museum of Natural History. Ang National Planetarium, na bahagi rin ng National Museum, ay sarado pa rin.

Ayon kay Jeremy Barnes, director general ng museo, limitado muna ang operating hours. Bubuksan ang mga museo alas 9 ng umaga hanggang 12 ng tanghali, para sa morning session, at ala 1 hanggang alas 4 sa afternoon session. Tuwing Lunes ay Sarado ang museo.

Nasa 100 bisita lang ang papayagan kada session, at dapat 15 to 65 anyos lang ang edad ng mga bisita, na dapat magdala ng ID na nagpapakita ng petsa ng birthday. Kailangan din mag pre-book online isang araw bago ang bisita. Bawal muna ang walk-in. Ipatutupad din ang mga health protocol.

Source: https://news.abs-cbn.com/life/03/02/21/national-museum-bukas-na-uli-sa-publiko

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.