Ambassador na sinibak sa pangmamaltrato masama ang loob, balak magsampa ng kaso

Masama ang loob ng dating ambassador ng Pilipinas sa Brazil matapos pagtibayin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakasibak sa kanya dahil sa pang-aabuso sa kasambahay na nakuhanan ng CCTV.

Inanunsiyo ng Presidente na aprubado na ang pagsibak kay Marichu Mauro ilang buwan matapos mag-viral ang CCTV footage ng kaniyang paulit-ulit na panggugulpi sa kaniyang Pinay helper sa kaniyang diplomatic residence sa Brazil.

Sabi ni Mauro, hindi niya inakalang hahantong doon ang imbestigasyon ng Department of Foreign Affairs.

Aniya, “I chose instead to keep silent simply because I trusted the DFA system to follow the prescribed procedures in investigating what really happened. They did not follow the prescribed rules to uphold my right to due process.”

Dagdag niya, pakiramdam umano niya ay pinagtaksilan siya ng institusyong kaniyang pinaglingkuran.

Giit ni Mauro, hindi naipakita ang buong konteksto ng video.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/03/03/21/ambassador-na-sinibak-sa-pangmamaltrato-masama-ang-loob-balak-magsampa-ng-kaso

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.