Pagbangon ng kabuhayang Tsino, magpapalakas ng relasyong pang-ekonomiya ng Pilipinas at Tsina: estratehiya ng Tsina sa gitna ng pandemiya, mahalagang usapin para sa Pilipinas

“Habang lumalaki ang ekonomiya ng Tsina, lumalaki rin ang merkado para sa ating pagluluwas, [at] pinanggagalingan ng pag-aangkat, [kaya] sa madaling sabi, positibo ang magiging epekto sa ating economic development, kung tutuloy ang pag-unlad ng ekonomiya ng Tsina.”

Ito ang ipinahayag sa China Media Group-Filipino Service noong ika-6 ng Marso ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, kaugnay ng paglago ng kabuhayang nakasaad sa Government Work Report na inilahad ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa idinaraos na Dalawang Sesyon.

Aniya, isang malaking bahagi ng relasyon ng Pilipinas at Tsina ay iyong tinatawag na economic partnership.

Sa foreign trade, import market, import source, Tsina ang pinakamalaking partner ng Pilipinas, ani Sta. Romana.

Kung magpapatuloy aniya ang pag-unlad ng ekonomiya ng Tsina, lalawak pa ang larangan ng ekonomikong kooperasyon ng dalawang bansa.

Source: http://filipino.cri.cn/20210306/153eaf7f-5cd6-c002-8470-32f9649cafed.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.