Mga dapat malaman tungkol sa AstraZeneca vaccines

Inanunsiyo ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na dumating sa unang linggo ng Marso ang mga 500,000 dose ng AstraZeneca vaccine.

Ito ang ikalawang bakunang dumating sa bansa matapos ang Sinovac vaccines ng China.

Enero 28 nang mabigyan ng emergency use authroization sa Pilipinas ang bakuna kontra COVID-19 ng AstraZeneca.

Ayon sa Food and Drug Administration, 2 doses ang recommended administration nito, na may pagitan nang 4 hanggang 12 linggo.

Ginawa ang bakuna ng kompanya katuwang ang Oxford University ng United Kingdom. Napatunayang ligtas ang bakuna, na may 62 hanggang 90 porsiyentong efficacy rate.

Sa datos ng World Health Organization, inirerekomenda ang AstraZeneca vaccine sa mga taong may comorbidities tulad ng obesity, cardiovascular at respiratory diseases, at diabetes.

Regular freezer na may lamig na 2 to 8 degrees Celsius ang storage requirement nito.

Source: https://news.abs-cbn.com/news/02/28/21/mga-dapat-malaman-tungkol-sa-astrazeneca-vaccines

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.