Vaccination sa 1.4 milyong health workers, tatapusin sa loob ng 1 buwan

Target ng National Task Force for COVID-19 na matapos ang pagpapabakuna sa may 1.4 milyong health workers sa loob ng isang buwan upang higit silang makapagserbisyo ng walang takot na mahawa ng virus sa mga pagamutan.

“Pipilitin po natin na matapos sa lahat ng health workers nationwide ngayong Marso,” ayon kay Secretary Carlito Galvez sa Philippine General Hospital bago mag-umpisa ang pagbibigay ng bakuna.

Sa kasalukuyan, tanging 600,000 doses ng Sinovac vaccine na donasyon ng China pa lamang ang dumarating sa bansa, ngunit inaasahan na maidedeliber din ang mga bakuna buhat sa Pfizer at AstraZeneca na naantala ang pagdeliber.

Aminado si Galvez naman nila ang sitwasyon sa kakapusan ng suplay dahil sa lahat ng bansa ay nag-aagawan sa bakuna.

Aniya, “We understand the challenge COVAX is facing because they are supplying the global community. Ang pagkakasabi nila, indefinite pero hopefully first quarter.”

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2021/03/02/2081315/vaccination-sa-14-milyong-health-workers-tatapusin-sa-loob-ng-1-buwan

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.