PRRD, muling ipinaabot ng pasasalamat sa donasyon ng Tsina

Sa kanyang regular na pakikipagtagpo sa ilang miyembro ng Gabinete at opisyal ng pamahalaan bilang tugon sa mga kinakaharap na isyu ng bansa noong, Lunes, ika-1 ng Marso, muling ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mataimtim na pasasalamat sa Tsina.

Sa kaibuturan ng kaniyang puso, ipinaabot ni Pangulong Duterte ang pasasalamat kay Pangulong Xi Jinping, sa pamahalaan at sambayanang Tsino sa kanilang pagiging bukas-palad.

Ani Duterte, sa hinaharap, nawa ay maaari siyang gumanti sa naturang kabutihan, kung mayroon pa siyang sapat na panahon sa mundong ito.

Dagdag pa niya, para sa ikabubuti ng mga Pilipino, nang buuin ang Inter-agency Task Force Against COVID-19 ng bansa, tinawagan ni Duterte si Pangulong Xi.

Sinabi niya kay Xi, “Mr. President, wala kaming teknolohiya o know-how (sa pagdebelop ng bakuna kontra COVID-19). Sana hindi ninyo kami malilimutan kung lalala ang situwasyon.”

Source: http://filipino.cri.cn/20210302/42ca6b2b-610c-b74b-af42-18873357cd24.html

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.